Ang Saya.  

Posted by Kokak

Ang saya ng araw na to..

1. Ang aga kung nagising..kahit nka ilang beses na kung nagbilang ng baboy eh d pa rin aku makatulog (ulit).

2. Brown out at d aku nka inom ng kape sa takdang oras.

3. Kelangan kung magluto ng sarili kung pagkain.

4. D ku na ma-gets ang istory ng digimon.

5. Ang adik kung kapatid, kinuha ang dvd player ku..d ku pa tapos panoorin ung hello kitty..ta3 talaga.



6. Nag igib aku ng sarili kung tubig..kac walang laman ung tangke..kac nga brown out.

7. Walang tindang lucky me HOT pancit canton sa paborito kung tindahan..

8. D aku nka connect sa Cabal.

9. Nkatapak aku ng UFO sa kalsada..

10. Kinuha ng mga pulis-pulisan sa skul ung nag-iisa kung cap..na gamit ku pa since elementary..kaya ayun, pakiramdam ku nkahubad aku..nahahanginan ung kalbo ku.

11. Pababa na ku ng bldg nang sinita na naman aku ng pulis-pulisan (uu, may checkpoint sa skul namin)..bawal daw dumaan dun, at entrance lang daw yun..kaya, umaakyat na naman aku 3 floors pra mkadaan sa tinatawag nilang EXIT door.

12. Nakasabay ku ung kaklase ku nung elementary sa bus..interbyuhin ba naman aku, kung kamusta na aku..at kung nag-aaral aku ulit..ang saya..magiging topic na naman aku sa hapag kainan nila.

13. Muntik na akung madulas sa escalator.

14. Ang adik kung anti virus, nagloko na naman..ta3! ta3!

15. Pag uwi ku lang galing skul, nalaman na bukas na pala ung libing sa kabilang bahay..naman, d mn lang nila aku binigyan ng pagkakataon na mkpaglaro ng tong-its.

This entry was posted on Tuesday, August 19, 2008 . You can leave a response and follow any responses to this entry through the Subscribe to: Post Comments (Atom) .

0 comments