Anu Mga Uso Ngaun (inspired by the P Man)  

Posted by Kokak

Na-lagay ku na to dati sa FM..wala lang for the sake na me nilagay aku d2..hihi..

Me nagtanong, c P Man, kung anu daw ba mga uso ngaun..harhar..eto ung pang Miss Universe na sagot ku..tas, dinagdagan ku na rin..

wala na sa market ung rugby tsaka katol, pra sa impormasyon ng mga adik...elmers glue na ngaun tsaka glue stick ang uso..tas tinetesting pa rin nila sa lab ngaun if effective ung pinatuyong UFO ng butiki..all in all, mas effective pa rin ung pinatuyong UFO ng mga pusa..all u need is patience lang pra makuha ang tamang timpla..

uso na rin ung may mga bangs..pati lalaki me bangs na rin..haha..anu yan kac, egyptian inspired.

ngaun ku lang napansin, uso na rin ung tinatawag nilang 'skinny jeans'..haha..mas maganda tingnan pag talagang skinny ung nagsusuot..walking stick..kagagaling sa hukay.

matagal nang laos ang 'peace sign"' or korean pose..meron nang tinatawag na 1-5 Korean Pose: What It is, What It Is Not, Things To Do on How To Look Like a Korean.

uso na rin ung me nakikita kang blue sa kalsada (d2 lang cguro sa amin yan)..tsaka mga UFO khit saan sa kalsada.

uso na rin ung mga overpass na hindi naman ginagamit..or mga overpass na sa ilalim dumadaan mga tao..

uso na rin ung mga signs na, Wanted: Sales Lady With Experience (experience saan? hahaha)..

uso na rin ung pagtaas ng gasolina, pagtaas ng pamasahe, tsaka araw-araw na strike..

uso na rin mga tamad na titser..na madalas mgpower trip..mas marami sa mga nursing skuls..pasttime na cguro nila nung mangterorize ng mga students esp mga freshmen..pero pgdating sa area, ala na..talo pa mga Brit tsaka Amerikano sa inglisan..

uso na rin ung mga naglalakihan na bag na akala mu ang daming laman, na halos lahat na ata ng damit ku eh kasya na, yun pla..make up kit lng ang laman.

uso na rin ung mga emo-emohan (imbento ku lang yan) haha..

uso na rin ung kanta ni Rihanna na Take A BOW..kac naman, susmaryosep..ung mga kasama ku dati sa isang cafe, 5 out of ten na pcs eh, yun ang tumutugtog...sabay-sabay..ta3..pag wala kang headset, tiyak, magno-nosebleed ka.

uso na rin ung every other day eh pinapalitan ung layout nila sa FS.

uso na rin ang cabal..xmpre..

uso na rin ung movie nina sara tsaka john lloyd...haha..

uso na din ung mga scandal, pero this time sa loob na ng eskwelahan..sa parking lot to be exact..ahemm.

uso na din sa mga titser na imbes na cla ang mag-turo eh ung estudyante na lang ung mag-rereport..an sipag.

khit saan ka lumingon, eh talagang me makikita kang me nkasaksak na headset sa mga tenga nila.

uso na rin ang kursong narsing..yehey!! khit na nga doktor, nag-nanarsing na rin eh.

madalas ku ring makita to: No Parking For Customers Only.

uso na rin mga eat all you can.

at uso na rin ang mga gnitong kaadikan..gaya ni P Man.

This entry was posted on Saturday, August 09, 2008 . You can leave a response and follow any responses to this entry through the Subscribe to: Post Comments (Atom) .

0 comments