Isang tagay Para Sa Tagumpay  

Posted by Kokak

Lahat daw ng bagay eh, me limitasyon. Lahat ng sobra, masama sa katawan, ngunit kung kulang naman, masama din. Ang keyword daw jan is moderation o katamtaman lang.

Masasabi kung wala akung bisyo. Ewan ku lang kung matatawag na bisyo yung pag-inom ng kape araw-araw at ang pagsinghot ng deo ku. Mabango kac. Pwedeng gawing perfume.

Pero umiinom din naman ako. Kung me mga okasyon lang o kaya eh kung libre ng mga kaibigan. Pagdating kac sa inuman, wala akung pera. Naranasan ku na ring manigarilyo. Nung 3rd year college na ku. Dun ku natutunan panu palabasin ung usok sa ilong. Ang dali lang pala. Nun, kac sinubukan ku, kasama ng pinsan ku. Nilukot na papel lang. Ampangit pala pag nkalulon ka ng usok.

Una kung naranasang uminom nung 2nd yr hiskul aku. Anu, me fiesta kac nun sa bahay ng kaklase ku. Basta me fiesta, sugod agad yung buong klac. Mga patay gutom. Uso din kac yung paanyaya na, “Come eat our house. Kain lang kayu ng kain, walang hiya-hiya, wala naman kayung hiya”.

Nagkayayaan na uminom daw kami. Xmpre, d pede dun sa bahay ng kaklase ku. Balak kac siyang ipasok ng kanyang mga magulang sa kumbento.

Kaya, naghanap kami ng lugar kung saan kami pwedeng uminom. Ung lider-lideran namin, Kinder pa lang ata nung natutong uminom. Siya na nagsuggest kung anung iinumin namin. COLT45, America’s Strongest Beer. Tagay2 system lang kami nun. Nka-2 baso lang aku, hilong-hilo na ku. Pero masarap pla. Nang pa-uwi na ku, buti at straight pa rin nun yung lakad ku, naisipan kung sumakay ng bus. Langhiya, nandun yung tatay ku tsaka yung kapatid ku na babae. Pag-akyat ku pa lang ng bus, intro na agad yung ate ku.

ATE: Uminom ka no?

AKO: Hindi kaya.

ATE: Eh, bat ka namumula?

AKO: Anu, allergic lang aku sa hangin.

Tulog agad aku pagdating ng bahay. Ewan ku ba, 2 baso lang naman yung ininom ku pero parang ang lakas nung tama sakin.

Nung summer, graduate naku nun sa highskul. Yung pinsan ku tsaka yung kapitbahay namin, Emperador yung tinitira namin. Tanghaling tapat. Patago lang din kami nun kung uminom. Minsan sa gitna ng kagubatan, o kaya sa bahay namin na inaayos pa lang. D na nagtatanong yung tita ku tsaka mga kapatid ku pag umuuwi aku sa bahay na nakangiti at parang litson.

Aku yung klase ng tao na mabait kung nakaka-inom. Mahihiga lang aku sa isang tabi, oki na.

3rd yr college. Dun ku naranasan na uminon ng Tanduay white na hinaluan ng red horse. Eksperimento ng mga adik kung ka-grupo sa duty. Yung pulutan namin, manggang medu hilaw na medu hinog. Straight na lang sa pitsel kung uminom. Wala ng baso. Nung nalasing aku, dun ku inamin sa nag-iisang tunay na pag-ibig ku na ginigiliw ku siya. Nyaaa.

Una kung naranasan na masuka nung pumunta kami sa Guimaras pra mg release ng tension sa sunod-sunod na exams, case presentations, make up duties, etc.

Alas siyete pa lang (ng gabi), umpisa na kami. Ung plano namin, ung GSM Blue lang tas hahaluan lang ng pineapple juice pra daw d kami masyadong malasing. Sarap uminom kapag nasa beach ka. Malamig pa nun yung hangin.

Dumating yung isang kaklase namin, me dalang Johnny Walker. Langhiya. Dare daw. Laro kami tong-its, kung cnung matatalo, isang shot.

Mga mamaw pala yung mga kalaban ku. Nka ilang shots na ku nun, nung parang me gustong lumabas sa tiyan ku. Ang asim ng panlasa ku. Ta3, takbo agad aku sa banyo. Sa kasamaang palad, d aku nakarating, kaya sa buhangin na lang aku nagsuka. Amgpangit ng pakiramdam ku. Lahat ata ng kinain ku lumabas. Me lumabas pa ngang isang piraso ng butil ng mais. Hinang-hina aku nun pagkatapos. Para lang akung nag marathon nang 5 araw.

Pinakilala sakin nung mga kabarkada ku yung red horse nung Dinagyang. First time ku din nun na pumunta sa isang bar. Tuwang-tuwa aku nun. Wala kac nun sa bundok namin. Parang nasa enchanted kingdom lang nun.

Masarap pla ang red horse. Masarap na mapait.

Ayon nga ke Mang Dagul (ng Pugad Baboy), “Kung ayaw mung masaktan, maglaro ka ng mga korning laro, gaya ng chess. Katulad din yan ng pag-inom. Kung ayaw mung malasing , uminom ka din mga korning inumin. Gaya ng tsaa, at tubig”.

Pero, mababa lang talaga cguro yung tolerance ku sa alcohol. Pag red horse, hanggang 2 bote lang aku. Yung tig-500ml. Pero pag San Mig Light, nakakaabot aku ng lima (light nga eh).

Naranasan ku na ring matulog sa loob ng banyo, kaharap ng inidoro dahil sa kalasingan. Tequila nun yung tinira namin. Sa una, d mu mararamdaman yung epekto nya, pero sa kalaunan, grabe pla yung sipa, me kasama pang suntok, at sabunot. 2 na lang kming umiinom nun ng lasengga kung barkada. Yung iba kac, mga KJ, kasama mga labidabs nila, naglalampungan. Wala ng chaser, straight na lang. Parang tubig na nga lang. Nka 2 bote kaming dalawa. Problemado kac aku nung mga panahon na yun. Ikakasal na kac yung ate ku. Pinapapili aku kung anu magiging papel ku sa entourage. Langhiya. D pa naman aku umaatend ng mga ganyang pagtitipon. Pero dahil sa ate ku naman yung ikakasal.

Naalala ku pa, kulay green ata yung suka ku.

Akala namin, ala kaming klac sa Rizal knabukasan. Yun pla, biglang in-anounce nung Rizal-fanatic na titser namin na ni minsan eh nakikipag-eye contact sa amin, madlas sa kisame o sa ibabaw ng ulo namin nkatingin, na magkakaroon daw ng graded recitation.

Buong oras ng klac aku tawa ng tawa. D ku alam kung bakit. Lahat ng makikita ku eh nakakatwa pra sa kin. Pipili ka lang ng ilang kasabihan sa libro, at hawak ang mikropono, eh tutula ka sa harap ng buong klac. Ang saya. Ewan ku ba. Nangopya lang aku nun sa kaklase ku, 1.5 pa yung nakuha ku. Ang swerte ku naman.

Natikman ku na din minsan yung tinatawag nilang tuba. Straight galing sa puno. Me mga kulisap pa ngang kasama yung tuba (pero xmpre, inalis muna yun bago inumin).

Yung iba tao, umiinom dahil sa may gustong kalimutan. Kalimitan, dahil sa problema. Problema sa bahay, sa pera, sa trabaho, at kung minsan naman ay problema sa pag-ibig. Minsan naman ay “for socializing purposes only” (basta yun na yun). O kaya naman eh dahil sa tagumpay na nakamit at gustong i-celebrate kasama ng mga kaibigan, o kapamilya (o kapuso, pra fair).

Sa nakikita ku sa unang rason, uu nga at nakakalimutan natin yung problema, sa panandaliang panahon lamang. Ngunit hindi nito mareresolba yung problema mismo. Mas madadagdagan pa nga, ng hang-over (na sabi ng titser namin dati eh, over-hang daw), na talagang sakit sa ulo. At may mga bagay tayung nagagawa nung lasing tau na either mako-complicate yung mga bagay2 or, na maaaring pagsisisihan sa huli o siyang maglalagay sa atin sa alanganin, na maaring ikahiya natin or ikamatay natin (joke lang). Dba mas masarap pag-usapan ang mga bagay2 nang klaro ang ating pag-iiisp, nang walang bahid ng kalasingan. Mas makakarating tayu sa punto na mas makakaisip tayu ng mas malinaw at magandang solusyon sa ating mga agam-agam o problema.

Hindi ku naman sinsabi na masama ang pag-inom.

Yung, sobra-sobra, yun ang masama.

As long as alam mu yung limitation mu, alam mu kung hanggang ilang bote o baso ka lang, kung saan lang yung kayang i-ingest (waw) ng system mu yung alcohol, at alam mu pag wala ka ng pambili ng maiinom (magtubig ka na lang), at alam mung andyan yung mga kaibigan mu pra hilahin ka pra i-uwi (dahil bangag ka na sa kalasingan).

At dahil na rin sa sabi ni Mr. Robin Padilla, “Be a liver lover----boy!”

This entry was posted on Monday, August 25, 2008 . You can leave a response and follow any responses to this entry through the Subscribe to: Post Comments (Atom) .

0 comments