Grade V  

Posted by Kokak

Malaking pasasalamat ku nun nung nka-ligtas kami sa terror na titser namin nung grade 4. Yahoo.

Grade V. Daming pagbabago. Sa time na to kac, iba-iba na magiging titser namin sa bawat asignatura (naks!). Ibig sabihin niyan, para na naman kaming NPA. Palipat-lipat ng room.

Adviser namin, titser din namin sa Filipino at Music. Kelangan naming magsalita ng Filipino sa kahit na anung oras, basta nasa loob ng silid-aralan. Ang mahuhuling lumalabag, mapipilitang bumili ng lollipop sa kanya. Pede ding umutang. 1 week to pay.

Requirements namin sa Pinoy, eh Home Reading Report. Isa-summarize mu yung kwento sa isang libro, yung mga tauhan, lugar, etc. Badtrip talaga. Mapipilitan kaming I-give up yung free time namin sa paglalaro ng baseball. Para kami nung adik na naghuhukay sa mga ancient na libro sa rum pra makakuha lang ng mga kwento. Dapat meron kaming 10 na kwento. Bawal yung duplication. Yung ibang kaklase ku, dahil sa ubod ng sipag, eh gumagawa ng sarili nilang kwento. Yung iba naman, ang tatalino, pinoy version ng sleeping beauty at snow white. Lol.

Uso din nun sa amin ang larong PANTS. Me notebook kami nun na me alphabet sa likod na page. Papalibutin namin yung lapis, tas me adik na magsasabing STOP. Kung saang letter hihinto yung lapis, halimbawa sa letter A, mag-iisip kmi ng place, animal, name tsaka thing na nagsisimula sa letter A. Bawal din duplication. Dun lumabas yung pagiging creative ng iba. Imbes na simpleng eraser lang as a thing, ginagawang eraser big and strong. D ku talaga makakalimutan yun. Umiyak pa nga ku nun kakatawa. Xmpre, irarason nila na iba yung simpleng eraser lang sa eraser na big and strong (parang superhero). Pabilisan din ng pagsulat. Kung cnung mauuna, sisigaw lang siya ng PANTS!..pero d maiiwasan na me ibang pasaway. Kaya ang ginagawa ng nauuna, eh, tatabigin yung papel ng iba or pwersahang kukunin yung lapis. Naku, ang saya nun. Naubos yung buong pad ng papel ku, sa isang araw lang. Talagang kina-career namin yun. Nagre-research pa nga kami pra sa mga unique na sagot. Yung iba, me kodigo pa. Napaka sagradong laro yun para sa amin.

Dun ku din unang natutunan kung panu sumakay sa dalawang kawayan. ‘Kadang’ tawag nun sa amin. Letseng PE yun. Me pa-kontest, pabilisan sa paglalakad gamit yung matataas na kawayan. Bugbog sarado aku nun everytime na uuwi aku sa bahay. Dami kung mga gasgas sa katawan. Buti, d naman aku nagkabukol.

Adik din yung titser namin sa PE. Separate yung boys tsaka mga girls. Tsaka combined na yung apat na sections. Meron siyang botelya ng rubbing alcohol na me lamang ihi at kung cnu ang maingay, eh me libreng spray mula sa kanya.

At, natutunan ku din nun ang pagsakay sa bisekleta. Nung una kac, ung pambata lang yung kaya kung sakyan. Yung me dalwang maliliit pa na gulong sa hulihan. Hindi din maabot ng paa ku yung pedal kapag naka-upo na aku sa bisekleta. Ilang beses din akung natumba nun sa mga santan na nakatanim sa gilid ng footwalk. Every week ata aku nun pumupunta sa manghihilot. Ang dami kung bali sa katawan.

Sa Music naman, buong taon kaming kumakanta ng Bituing Marikit at Bakya Mo Neneng (luma at kupas na).

Sa Science, dapat bago mag-umpisa yung klase, eh, meron munang ice-breaker. Dahil sa 30 minutes lang ung klac, kinakanta namin yung Bituing Marikit, Gregorian Chant Version. Para, maubos yung oras. D ku makuha yung connection ng Bituing Marikit sa asignaturang Science and Health. Oh kaya eh, yung kantang ‘Aku ay may ulo na laging gumagalaw, lalalalala..hanggang paa. Parang tagalog version ng my toes my knees, mas pinahaba nga lang.

Pinapakanta din samin yung “alive, alert, awake”. Na me tagalog version din. “Akuy buhay hindi patay, nakikibaka”. Tawa aku nun ng tawa. Wala namang baka, bat kmi nakiki-baka? Tongue twister din yun.

Dapat with feelings din yung pagkanta. Pero mas masarap siya kantahin pag inaantok ka. Nagiging, “akuy patay, hindi buhay nagiging baka”.

Paborito ku yung Home Economics. Palaging walang klac. Magsisibak lng kmi ng kahoy o kaya eh mag-iigib ng tubig, ayos na.

Nung Grade V ku din unang naranasan na magkaroon ng tinatawag nilang kras. Hihi. Ganun pla yung pakiramdam, para kang naiihi sa tuwing nakikita mu siya. Sa kasamaang palad, kaklase ku siya, at katabi ku pa sa desk. So, palagi din akung naiihi nun.

Speaking of ihi, ni minsan eh hindi aku umiihi sa CR namin. Me mga bulung-bulungan kac na me kapre daw at white lady sa CR ng mga lalaki. Talagang naniwala aku dun. Me malaking puno kac ng mangga na malapit dun. Tsaka nung panahon pa daw ng hapon ung CR. Sira-sira, nilulumot na yung mga dingding. At basag yung mga inidoro. Kaya, sa pader aku ng skul palaging umiihi.

Parang aso.

This entry was posted on Saturday, August 23, 2008 . You can leave a response and follow any responses to this entry through the Subscribe to: Post Comments (Atom) .

0 comments