Ngarag aku ngayung araw na to, (ngarag -- courtesy of kapatid na Aufelle, lamat sa pagpapaliwanag, hihi).
Buong araw akung hikab ng hikab. Nka walong oras naman yung tulog ku. At, himala, kumain aku ng agahan. Ewan ku ba, ginutom aku kanina. Sarap kac ng ulam. Tuyo.
4:30 pa lang, gising na ko. Ang adik ku kasing ate, d umuwi kagabi. Pinadala nya lang sakin ung mga damit niya. Kaya, umaga pa akung nang-raid sa mala-gubat niyang aparador.
Maaga akung nagigising kada biyernes. Alas 7 kac klac ku. Mga 6 pa lang, dapat nakasakay na aku sa jeep. Almost an hour din kac yung travel mula sa bundok, papuntang sibilisasyon.
Pero kanina, dahil sa antok pa aku, mga 30 minutes pkung natulog sa banyo. Sarap pla matulog sa banyo. Anlamig. Na-manage ku ding matulog nang nka-upo sa inidoro.
Kelangan ku pang mag-init ng tubig pampaligo. Nagkaka-pilo erection aku eh. Meaning, nagkaka-goosebumps aku. Mahirap na, baka mamis-interpret na naman ni mc_adik. Haha.
Habang nasa jeep aku, me babaeng sobrang haba ng buhok ang nasa unahan ku. Waw. Nice hair. Ambango. Pang model ng shampoo. Langhiya, sobrang ganda nga ng buhok, ang pangit naman ng lasa. Sa tuwing, hahangin kac ng malakas, napupunta sa mukha ku ung buhok niya. At d man lng niya napapansin na, ke aga-aga, kumakain na yung katabi niya ng buhok niya. Dedma.
Adik na yun. Kaya, buong puso’t kaluluwa ku siyang tinapik, at sinabing:
Ako: Ahm, excuse me miss, hindi aku ipinanganak ng nanay ku para lamang kumain ng buhok mo. At hindi niya rin aku sinabihang, sige, sumakay ka ng jeep para makakain ka ng buhok. Pampataba yan.
Miss Long Hair: Oops, sorry. (Sabay nag tiger look).
Ako: Thanks…lol
Hindi pa naman siguro aku mukhang malnourished para kumain ng “protein-rich” na buhok.
Sana, me gumawa ng bill sa senado na nagbabawal sa lahat babaeng me mahahabang buhok na sumakay ng public transportation na hindi nakagapos ang buhok.
Parang kambing lang yan eh. Kapag pinabayaan mung hindi nakatali, tiyak maghahanap yan ng makakaing damo, at hindi maglalaon eh pati pananim ng kapitbahay niyo eh mawawala sa mundong ibabaw.
Gets, niyo yung connection?
Me magandang side din na nangyari, naka-tipid aku sa pamasahe. Usually 30million Php ung pamasahe. Pero, 25million Php lang kinuha ng konduktor. Baguhan ata ung konduktor.
Habang nagle-lecture titser namin ng mga walang kamatayang “medicinal plants advocated by the DOH”, panay naman hikab ku. Hindi pa aku nkakapag-review pra sa redem mamayang hapon.
Yung titser naman namin, parang kangaroo. Talon ng talon. Pagkatapos ng isang topic, tatalon na naman sa sa topic na na-discuss na. D pa tapos yung isang topic, talon naman sa ibang topic. Talon ulit sa topic na d pa natapos i-discuss. Tapos, talon ulit. Susmeyo, maam, d kba napapagod kakatalon?
Sabi ng katabi ku, sunken daw yung eyeballs ku, sagot ku naman, eyng?!
Nung break na eh, bumili aku cappucino. Langhiya, kaya pla. Me shortage na pla ng caffeine sa blood stream ku. Ta3. Nka-dalawang tasa aku.
Balik tayu dun sa kangaroo, I mean, sa titser namin. Yun nga, pabalik-balik lang yung topic namin. Pati utak ku, nagtatambling na rin. Mas mabuti pang binasa na lang namin yung hand-outs kesa makinig sa kanya. 10:30 pa lang, natapos na yung lecture. Aba, ang adik na tister, ayaw pa kaming paalisin. Bawal pa daw kmi umalis, hanggat d pa pumapatak ang alas dose. Eh anu naman gagawin namin dun, makipagtitigan sa kanya? Ang mga adik ku namang mga kaklase, nag-request if pwede siyang praktisan pra sa redem mamaya. Aba, todo tanggi ang lola niyo. Nagpapa-presyo pa. D daw xa titser sa Funda. Pang CHN lang daw siya. Palakpakan. Magkukunwari lang naman siyang pasyente. Pero sa totoo lang, mukha naman talaga siyang pasyente. LOL.
Redem Time. Walang pagbabago. Una na naman aku sa pila. Bat ba kasi alphabetical palagi? D pwedeng random na lang?
Madali lang yung redem. Nagawa ku na kac yun dati. Sa una kung skul. Aba, seryosohan talaga ang lahat habang nagre-redem. Pero sa amin naman ng partner ku, parang wala lang. Tanong ng tanong ung titser. Hindi related sa redem kundi about showbiz, mga latest na chismis, nagtanong din siya about ke kangaroo. Aba, d naman ata aku mukhang c boy abunda at mas lalong hindi mukhang c ruffa guttierez yung partner ku. Cristy fermin, cguro, pede pa. Parang gusto kung sabihin, maam naman, tirahin mu na kami ng tanong tungkol sa redem, grabe yung preparasyon na ginawa namin, handang handa na kami, wag lang tungkol ke kangaroo.
Pagkatapos nun, ewan ku ba. Pagod na pagod yung pakiramdam ku. Parang gusto nang magsara ng mga mata ku. Kahit na bumaba aku mula 5th floor, eh hindi parin natanggal ung antok ku. Naubos na ata stock ku ng caffeine.
Kape ulit. 3 tasa.
Gaan na ng pakiramdam ku. High. Ulit.
Habang nasa jeep aku. Na naman. Me nagpi-PDA. Langhiya. Ang lalandi. Haha. At nka-uniform pa. Mga hiskul. Susmeyo. Alam ba ng mga magulang niyo mga pinag-gagawa niyo? Nagkatinginan na lang kami ng mga kapwa ku pasahero. Hindi naman sa naiinggit aku (pero parang ganun na nga). There is a place for everything. Me CR nga kung san tau pedeng kumain. So that simply mean na me lugar din pra sa mga exhibitionists, I mean sa mga mahihilig magpi-PDA. Sige, suggest ulit natin sa senado.
Sana, mag-pasa naman cla ng bill na talagang kapaki-pakinabang. Gaya halimbawa ng pagbabawal nga mga nakatayo sa loob bus, except sa mga konduktor. Lalo na kapag me bitbit na nakamamatay na shoulder bag.
Ang sarap ng tulog ku sa bus, pa-uwi sa bundok. Langhiya, parang nawala yung espiritu santo amen ku nang biglang me pumukpok (basta, un ung naramdaman ku) na matigas na bagay sa ulo ku. Ang sarap maghuramentado. Pagtingin ku, me nkatayong babae pla sa tabi ku, me dalang bag. Punuan tlaga yung mga bus every friday. Ta3, yun pla yung nakatama sa ulo ko. Sama ng tingin ku sa kanya.
Bahala ka sa buhay mo. Mamatay ka jang nakatayo. Hindi ku ugaling ibigay yung upuan ku sa kahit na kaninu (except sa nanay ku). Pare-preho lang tayung nagbabayad ng pamasahe. Na-una aku, maghintay ka. Hindi aku gentle frog.
Maaga akung matutulog ngaun.
Himala.
This entry was posted
on Saturday, August 23, 2008
.
You can leave a response
and follow any responses to this entry through the
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
.
1 comments