9/20/2008 7:15:59 PM
Enjoy na enjoy talaga yung tita ku sa tuwing nanonood ciya ng hep-hep, hurray!
Pgpatak ng 1230 eh nkapwesto na talaga siya sa harap ng TV at d pwedeng istorbohin. Kahit na lumindol pa o mgkasunog.
Tawa aku ng tawa nung, last week ata yun. Yung mga contestants eh mga dean’s listers. Yung isa ku kasing tita eh talagang npaiyak sa kwento nung isang contestant. Oha. Pinagalitan tuloy aku.
Naalala niya daw aku. Kung sana nka graduate daw aku ng maaga. Kung sana d aku nagloko. Tsaka dapat alalahanin ku plagi yung mga sakrispisyo na ginawa ng mga magulang ku pra mkapag aral aku ulit. Blah blah.
Napapansin ku, ala atang episode na alang umiiyak na contestant (except kung mga artista yung mga guests). Tsaka merong 1 thing in common yung mga contestants. Matagal na nilang pangarap na mkapunta sa show na yun.
D naman sa d ku gusto yung programa. Maganda nga yun eh. Maraming tao yung napapasaya nila. Tsaka marami din yung mga natutulungan nila.
Kelan kaya aku mkakapunta dun at mkapanood ng live?
Mga tao nga naman. Mahilig ikumpara yung kasalukuyang buhay nila sa buhay ng ibang tao. Oki, aminin na natin. Nag-eenjoy tayu sa tuwing me nakikita tayung natatapilok, nadudulas o kaya eh nabubunggo sa mga pintuan. Mahilig tayung makita yung ibang tao na pumapalpak, yung mga taong nagwawala dahil sa matinding emosyon, mga babaeng nagsasabunutan dahil lamang sa mga hindi nahugasang pinggan. At higit sa lahat, yung mga taong umaamin in national TV na kabilang cla sa federasyon. Kaya nga patok na patok yung mga reality tv shows, mga talk shows. Patok na patok yung istorya ng mga nasisirang pamilya dahil sa naligaw sa ibang bakod yung mga asawa nila, mga anak na iniwan ng mga magulang, istorya ng buhay ng mga nagtatrabaho sa isang klab o kaya eh mga batang kalye.
Bat ba tayu nanonood ng mga ganun? Kac mga chismoso talaga tau sa totoong buhay. Kac sa kaloob-looban natin, ngpapasalamat tayu na hindi tayu yung nasa ganyang sitwasyon. At perpekto yung kasalukuyang takbo ng buhay natin. At tsaka prang konsolasyon na rin na kahit me mga palpak sa buhay natin eh hindi masyadong ka-grabe gaya nung sa ibang tao. “Naman, npakamalas naman ng taong yan.” “Buti, d aku yun.” “Ewwww, that is soooooo gross!”.
Voyeurism.
At, suckers din tayu pgdating sa mga cinderella stories. Mapapansin nyu na karamihan sa mga nananalo eh yung mga hindi masyadong nabiyayaan, yung champorado lang yung handa nung pasko. Parang ang bait mu na kapag nka send ka ng isang txt vote o kaya eh nkpagbigay ka ng 1 US dollar sa isang bata na namumulot ng basura. Yung ibang tao bumuboto d dahil sa maganda naman talaga siyang kumanta, sumayaw o umarte. Kundi dahil gwapo/maganda siya, seksi/macho, maganda manamit, etc etc. Its supposed to be a talent show, hindi isang charitable institution.
Patok din yung mga balita sa TV at sa mga newspapers na me mga nagpapakamatay sa pamamgitan pagsinghot ng isang box ng katol, yung isang lalaki na pinasukan ng battery (triple A) sa pwet, yung ginang-rape tapos nilitson at ginawang pulutan. At talagang headlines ang mga yun. Mas importante pa sa ekonomiya ng bansa, mas importante pa sa anu ba talaga yung kasalukuyang estado ng lab layp nina KC at Richard (Gomez).
Pero sasabihin ng iba, anu bang pakialam mu?
Ahm, uu nga no?
Hihihi.
This entry was posted
on Monday, September 22, 2008
.
You can leave a response
and follow any responses to this entry through the
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
.
0 comments