Doble kayod aku, kac mga ilang meetings akung absent. Pero sabi naman ng kaklase ku, mabait naman daw c maam. D naman daw siya nangbabagsak ng estudyante. Mabuti naman. Hihi.
2 areas yung exam. First is yung theories (taxation tas health care system). The second, computation ng income tax. Yung computation, next week pa. Kelangan ku ding pag-aralan yun. Naman. Pero, open notes daw yun. Cge, cge. Wala akung notes dun.
Maaga pa lang, nasa skul na ku. 230-4pm, computer subject. Next week na lang daw magbibigay ng exam c sir. Practical exam. Excel. Ilang oras kaming naghintay ke ginoong titser, 330 xa dumating. Sulat sa greenboard, pa-cute sa mga nagpapacute ku ding mga kaklase, sulat ulit sa greenboard. Sir, naman, maglelecture kba o magpapacute na lang habang buhay? Ang init2 pa ng rum. Yung katabi ku nga, nkatulog na. D ku alam kung panu nya na-manage na makatulog sa ganung kainit na panahon. Aku naman, kunwari nakikinig pero, nagte-text pku sa kaibigan ku na nag-iimbita sa despidida ng isa pa naming kaibigan. Pupunta na kac xa sa Singapore. Sosyalan. So yun, 10-minute intro about MSAccess, tas pinaalis na kami. Naman. Nag-intay kami ng ilang oras, tas yun lang?
Me ilang minuto pa bago, yung next na subject. Kumain muna aku, pra maging handa sa susunod na bakbakan.
Umakyat na ku sa room. 4th floor. Kaharap ng bintana eh, dagat. Kaya medu masarap simoy ng hangin.
At me pumasok na lalaki. Kala ku estudyante. Check ng attendance ng mga titser. Excuse me, ikaw yung magbibigay ng exam? At ang sosyal na sagot: Yeah. Walang kangiti-ngiti. Hmm. Wala daw c maam, me emergency daw sa bahay nila. So yun, arrange na ng upuan. Pra mas accessible sa pangongopya. Hihi.
Mahilig lumabas ng rum yung c Mr. Proctor. Nakikipag-chikahan sa kung cnung makita nya sa labas.
Pagkakataon na. hihi. Yung iba, pasimple lang na binubuksan yung libro, yung iba, ayun talagang nkabuyangyang yung libro sa harapan nila. C Mr. Proctor naman, parang walang pakialam. Oblivious sa mga nangyayari sa palibot niya.
Yung iba naman, halos kopyahin na lang yung lahat ng sagot, pati pangalan.
Me side comment pa yung isa kung kaklase na d daw siya sanay na nangongopya.
Cheating (daw) dated million years ago. Nung d pa uso ang Ipod at T-Back. Nung ang diaper eh mga dayami lang.
May mga iba talaga na umaasa na lang sa grasya na dadating. Nkahiga buong araw, nagbibilang ng mga poste o kaya naman eh ng mga dumadaang sasakyan.Yung iba naman eh nag-eenjoy sa paboritong hobby ng mga pinoy. Ang unprotected sex. At pag me masamang mangyayari, sisisihin agad ang ibang tao o kaya ang gobyerno.
Kaya hanggang ngaun d pa rin umuunlad ang Pilipinas. Kulang talaga sa mga seryosong tao ang bansa natin. Kahit ilang beses na tayung nagmartsa sa kalsada pra sa pagbabago, ganun parin ang nangyayari.
Kaya merong nang-uuto dahil merong nagpapa-uto.
Kaya ipinagpapatuloy ng iba ang mga ganung gawain dahil me mga taong pinapabayaan at isinasawalang-bahala na lang at parang walang anumang nangyayari. Nagbubulag-bulagan.
Sasabihin ng iba, sus, pangongopya lang naman eh, npkaliit na bagay. Pero aalalahanin natin na big things come from small packages, este, sa maliliit nagccmula ang mga malalaking bagay. Sa mga simpleng bagay nag-uugat ang mga naglalakihan at kahindikhindik na pangyayari. Gaya halimbawa ng kapitbahay nmin dati. Sa simpleng pandesal lang, imadyinin mu. Isang maliit na pandesal. Ikinamatay niya. Nabulunan. Nakalimutan nyang nguyain yung pandesal. Isinubo ng buo.
Dapat kung gusto natin ng pagbabago, dapat magsimula muna ito sa ating mga sarili (yun eh kung gusto talaga nating magbago).
Ang anumang gawain nung pagkabata, dala hanggang pagtanda. Ang disiplina eh nagsisimula sa bahay. Kung anung nakasanayan na, madadala at madadala mu talaga kahit san ka man magpunta. Aanhin mu pa ang damo, kung ang garden mu naman ay sementado. Aanhin mu pa ang damo, kung d ka naman kabayo. When I was born, I was a baby. Wala lang, mga koleksiyon ku lang yan ng mga quotes. Enge aku number mu, at ifo-forward ku sau yan. At marami pku nyan dito.
So yun, mula pangongopya, nauwi sa paghahanap ku ng textmate.
This entry was posted
on Monday, September 01, 2008
.
You can leave a response
and follow any responses to this entry through the
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
.
0 comments