Yellow  

Posted by Kokak

9/10/2008 7:25:32 PM

Ala akung maisipang title sa entry na to, kaya Yellow na lang, sabi ng guardian angel ku (meron pla aku nun). Yun din kac yung kasalukuyang sumisigaw sa headset ku.

Wala akung klac buong araw. Ulit. Pgkamulat pa lang ng mga mata, ku, pagkatapos ku xmpreng magdilig ng mga halaman (basta yun yun), eh nanood aku agad ng dvd. Girl Next Door. Actually, napanood ku na rin to cguro mga last raise to the 3rd power. Kasama ku mga kagrupo ku sa RLE slash mga barkada slash classmates. Noong time na din yun nung na-ban kmi dun sa apartment ng kaklase namin. Ang ingay daw namin.

Nag-cabal din aku. At nkasabay ku (na naman, lol) c kapatid. Me mga bago palang items, at mga ka-ek ekan ang cabal. Buti nkapulot aku dalwa. Sayang din yun, pede daw yun ibenta ng 1 million. Aba, magiging milyonaryo na pla aku. Yun eh, kung may bibili. Pero advised ni kapatid (xa adviser ku pgdating sa cabal) ibenta ku lang daw pag me naghahanap. At kapag me marami na akung pera eh bibili aku ng motorcycle (astral bike daw yun) o kaya eh skateboard (astral board din yun). O d kaya eh bibili din aku ng pet kagaya ng kay kapatid, c Munting Kaibigan. Isa lang masasabi ku, inggitero talaga aku.

Nga pla, ganda ng youtube vid ku no? Silly Love Song ni Paul McCartney. Nakita ku lang yan kanina sa Myx, nagandahan aku.

Eka nga, ang mga in lab lang ba ang pwedeng makinig o kumanta ng mga lab songs? Uu, adik na tanong to. Eh sa adik din yung nagtatanong eh.

Sa buong buhay ku eh d ku pa talaga (pramis) naranasan ng tinatwag nilang ma-inlab. Simpleng paghanga, daming beses na. Pero yung tumutulo yung laway o kaya eh natatalisod pag nkikita ang iniirog eh, indi pa. Infatuation, cguro uu.

Pag me nakikita akung magsing-irog sa kalsada, sa mga jeep, sa plaza, sa tricycle, naghoholding hands, npaka-sweet, d ku mapigilan na mag-ewwwww. Lol. Inggitero.

Alam ku, karamihan sa mga ka-edad ku ngayun (12-15 years old) eh nka-isa mn lang o kaya eh nka-isang dosena nang kasintahan. Aku, bokia.

Kaya nga minsan pumapasok sa isip ku, eka, normal ba aku? Inay, tao ba ku?

Ito yung sagot, panu ka mgkakaroon ng iniirog, me niligawan/nililigawan ka na ba? Yun yun.

Aku kac once alam ku na , parang me nabubuong feelings (haha) aku sa isang tao, teka, back off muna, magkakape muna aku. Marami ring baka (kung minsan naman eh mga kalabaw din o kaya eh kambing) ang pumapasok sa isip ku. Bka iba type nito, baka mgkaibigan lang tlaga turing nito sakin. baka mapahiya lang aku nito. Baka, kambing, kalabaw.

Pero, sumisingit talaga yung sinabi ni mumay. Pgdating daw sa love na tinatwag, parang whole package na yan eh. Kasama na jan yung tinatwag nilang hurts and pains, at kung anek-anek pa. Dapat daw, handa tayong harapin yung magiging kalalabasan nito. Tanggapin ang kung anu mang magiging hatol ng hukuman. Oki lang daw yung masaktan, yung mgmukhang tanga, alang-alang sa walang kamatayang pag-ibig. Pero, pra sa akin, para lang yan sa mga me guts, sa mga makakapal ang mukha (joke lang), sa mga matatapang. Eh, panu naman yung pra sa mga bahag ang buntot? In short sa mga torpe. Kaya nga daw eh, kung talagang mahal mu isang tao, kahit anung bagyo o lindol ang dumating, kahit sakupin pa ng mga Brahmin ang mundo, gagawa at gagawa kpa rin daw ng paraan to be with the one you love. Naks naman.
The juice is worth the squeeze daw.

Kung anung itinanim, ay yun ring ang iyong aanihin. Pero pede ka namang bumili sa grocery store, o kaya eh humingi na lng sa iba. Dba.

Kac in the end kahit na nagmukha kang engot, at least ginawa mu naman yung best mu (parang reality tv show). At hindi ka magsisisi sa huli. Kung bakit d mu ginawa ang ganito, d mu ginawa ang ganyan. And so on en so forth.

Sa mga priorities naman sa buhay, xmpre iba iba din yung tao (letse talaga tong monitor na to). Yung iba, trabaho/career/pamilya/image/etchos yung inuuna bago ang kung anupaman, yung iba naman, nasa top 1 ang lovelife. Oh dba. Sosyal.

Cguro sa ngaun, career ku muna yung uunahin ku. Xmpre, anu ipapakain mu sa pamilya mu kung ala kang trabaho. Pero ang bilis naman, pamilya na agad yung pinag-uusapan. Cge, anung ipapang libre ku sa pamasahe sa jeep? Sa pedicab? Ang mahal na kaya ng pamasahe ngaun. Anung ibibili ku ng siomai? Ng kape? Ng hotdog with bacon? Ng chili cheesedog?

Xmpre, uunahin ku muna sarili ku. Anu cla, sinuswerte?

Sa totoo lang, d ku talaga nakikita sarili ku na nasa isang relasyon. Maybe eto talaga yung tadhana ku. Me iba na tinadhana na maging mahusay na doktor. Mahusay na manunulat, mahusay na mgnanakaw, mahusay na modelo sa isang photoshoot na ang concept ay nudity, at mahusay na bold star.

Masaya pku sa kasalukuyang estado ng buhay ku, specifically ang estado ng puso ku. Sa kasalukuyang takbo ng buhay ku. Dba. Masyado pa akung bata, ni hindi ku pa nga alam panu itali yung shoe laces ku, (ala naman talagang shoe lace ung sapatos ku).

Second, ung character ku sa cabal. Kahit low lvl pa lng yun, mahal na mahal ku yun. Kakaibang ligaya at self-realization ang naidulot nun sakin. Dun ku nalaman ang tungkol sa self-awareness at opening my heart.

Amen.


This entry was posted on Monday, September 22, 2008 . You can leave a response and follow any responses to this entry through the Subscribe to: Post Comments (Atom) .

0 comments