Grade 4  

Posted by Kokak

Umuwi kaninang tanghalian ung pinsan ku. Me dalang laruan. Ung mga maliliit na sundalo. Tas me baril-barilan pa. Aba, anu ka nag shopping? Napanalunan nya daw sa bunut-bunutan sa skwelahan nila. Na-ubos nya lahat ng baon nya, kaya ayun, bugbog sarado na naman sya sa nanay nya.

Naalala ku dati, nung aku’y musmus pa lamang at kasingtangkad ku lang c Gloria, talagang tinitipid ku ung baon ku (piso pa nun baon ku) pra pagdating ng recess (pinakapaborito ku sa lahat ng subject sa skul) eh me pangbunut-bunot aku. Name-mesmerize aku sa mga premyo nun. Me panyo, baril-barilan, me manika (na talagang gusto-gusto ku), me 20-peso bill, jackstones, etc. Pero sa kasamaang palad, nka graduate lng aku sa elementarya nang kahit kendi mn lang eh hindi ku napanalunan.

Iba na talaga ngaun. Sosyal na ang mge premyo. Me washing machine, cellphone (N95), repridyerator, oven, psp, xbox at laptop.

Uso pa din nun ung mga kakanin. Tas ice candy. Me mango, coconut, me melon, pakwan, ube at saging flavor pa. Masaya na kmi nun pag me tindang bayabas flavor. Yun madalas bilhin naming ng mga kaklase. Yun lang kac ung makayanan naming bilhin.

Palagi kaming pinapagalitan ng titser namin nun sa home economics. Hindi dahil sa hindi masustansya yung mga kinakain namin kundi nalulugi na yung paninda nila sa canteen.

Meron din feeding program nun. Isa-isa kaming pinapapunta sa clinic pra kunin ung weight tsaka height namin. Hindi ku talaga lubos na maintindihan na mgkasing-laki lang kmi nun ng katawan ni Palito pero d aku nkasama sa program.

Inggit na inggit talaga aku nun sa mga bata na me dalang kutsara tsaka tinidor at pag recess na eh pupunta na sa lunch counter pra kunin ung pagkain nila. Isang bowl ng lugaw tsaka isang piraso ng pandesal. Nung panahon na na yun eh, malaki pa yung mga pandesal.

Masama talaga ang loob ku nun sa kumukuha ng timbang namin. Tas nakita ku din sa chart na normal for age daw ung timbang ku. Hindi aku naniniwala. May nagsabotahe ng mga timbang namin pra d aku makasali sa feeding program.

Madalas din kmi nun mang-raid sa mga puno ng mangga tsaka santol sa bahay na malapit lang sa skul. Tinataon namin na nagpapakuha ng patay na buhok ung titser namin tsaka kmi mg-eeskapo. Walang me lakas na loob magsumbong kasi aku siga sa klac namin. Joke lang. Kasi me partida naman cla ng makukuha namin. Sa mga panahon na yun lang nagkakasundo ung buong klac.

Baka iniisip nu na umaakyat din aku sa mga puno. Taga-salo lang kaya aku. Takot aku nun sa mga tuko tsaka sa mga malalaking langgam. Dila ku lang ang walang latay pag uuwi aku sa bahay na madumi ung damit ku.

Lahat ng puno na me bunga, d namin pinapalampas. Patay gutom kasi kmi nun.

Ung titser namin nung grade 4, inuutusan nya either isa or dalawa sa kaklase naming na pumunta sa bahay nila pra mglinis. Ang sosyal dba. Me instant katulong. At libre pa.

Minsan, inutusan nya dalawang kaklase ku na pumunta sa bahay niya. Mga ilang oras na pero d pa rin cla bumabalik. Kaya inutusan nya ku na sunduin sila. Yun naman pla, kaya natagalan ung dalawa eh naligo pa ung dalawang adik sa isang sapa na nasa tabi lang ng kalsada. Umuulan pa kac nun.

Nung grade 4 ku rin naranasan na lumuhod ng isang oras. Kase, ung isang sumbungero naming kaklase. Na-inggit ata dahil d namin pinasali sa larong aswang-aswang namin. Sinasara namin lahat ng bintana, tapos ung aswang eh sa labas, at kakatok sya sa pinto, tapos papasukin naman namin, tapos, yun na..hahabulin na nya kami (pang adik na laro). Nung mga panahon na yun kac eh may nagbibigay ng exam na tga-ibang skul. Galit na galit ung adviser namin. Nakakahiya daw sa mga bisita. Kaya ayun, buong recess kaming nkaluhod. At ang dami naming audience.

Siya din ung pinaka terror sa lahat ng naging guro ku sa elementary. Pwera sa mga madre nung hiskul. Pag mali sagot mu, isang kurot sa hita or hihilain nya ung, patilya ba tawag dun? Basta, masakit yun. Tas mahilig din siyang mag-mura. Sa kanya ku natutunan ung mga pinakamaganda at pinaka-sosyal na mura sa buong buhay ku.

Minsan, nag-away yung dalawa kung kaklase. Dahil sa kagigising niya lang galing sa siesta nya, pinag-uuntog nya ung ulo ng dalawa. Talagang dinig sa buong rum ung tunog ng nag-uuntugang ulo. Ewan ku lang kung ngka brenda ung dalawa.

Pero sya ung pinakapaborito kung titser nung elementary. Kasi palagi syang absent. At pag-papasok siya na maganda or bago ung damit nya, alam na namin na aalis siya. Mag-iiwan lang siya ng seatwork tsaka homework. O kaya naman eh ipapakopya sa amin ang buong libro.

This entry was posted on Wednesday, August 20, 2008 . You can leave a response and follow any responses to this entry through the Subscribe to: Post Comments (Atom) .

1 comments

Anonymous  

hehe npaghahalataan n matanda n a,,,piso p baon nun,,hahaha,,,lan taon k n ba??link ex nmn oh :D