Miyerkules. Walang pasok. Pero kelangan kung bumalik sa skul pra mgbayad ng tuition fee. Midterm na kac bukas.
Magre-review na naman aku. Doble kayod. Yung exam ku kac bukas eh mga 10 meetings na ata na d aku umaatend. Haha.
Hindi natanggal ng malamig na tubig yung antok ku. Kaya habang naka-upo aku sa waiting shed, nag-aantay ng bus eh, panay yung hikab at beautiful eyes ku.
Pag-akyat ng bus, deretso upo, saksak ng headset sa tenga, tas tulog.
Tulog aku palagi kapag nasa biyahe. Basta’t me nakasaksak sa tenga ku, oki na yun.
Minsan naman, hindi maiiwasan na me mga “modern preacher” na umaakyat ng bus pra ibahagi ang mga salita ng Panginoon. Sa unang tingin pa lang, akala mu na kung cnung nagta-trabaho sa isang malaking kompanya. Nka-long sleeves pa kac, at yung iba naman eh nka-kurbata pa. Parang aatend lang ng meeting. At me attache case pa. Sosyal. Wala naman akung angal o reklamo sa mga ganun. Ang kinaiinisan ku lang eh pagkatapos mag-sermon eh bawat pasahero bibigyan ng sobre. Donation lang po. Naman.
Kaya ang ginagawa ku minsan, kunwari tulog aku. O kaya naman eh busy kunwari sa binabasa ku at wala akung naririnig. Malas mu lang pag nasa harap mu mismo yung nagser-sermon.
Kung hindi ku talaga maiiwasan eh, nagbibigay naman aku. Limang piso.
Naalala ku nung hiskul (eto na naman po kami). Yung titser namin sa CLE. Yung magiging final exam daw namin eh, sasakay kami ng bus at magpreach. O kaya naman eh, sa gitna ng plaza, at parang baliw na sisigaw na, The End Is Near, Repent, My Brethren. Xmpre, first year pa lang kmi nun. Aba at talagang sineryoso namin yun. Sa mabuting palad, eh, d naman yun natuloy.
Pero nung 4th yr na kami eh, sumali aku sa Student Catechist Org (xmpre, lol). Pupunta kami sa ilang piling public skul sa bayan pra magturo ng catechism (maswerte cla). Titser-titseran yung drama. Pero bago yun, me seminar muna sa skul. Sleepover. Parang recollection. Self-awareness activities, mga kadramahan ng mga madre. Sumali lang aku dun pra me award aku pg-grauate. Student Catechist Of The Year.
Pero masaya naman yung experience na yun. At dun ko realize, d talaga aku pwedeng maging titser.
Balik tau dun sa bus na sinasakyan ku. Napansin ku na me sticker na nka-paste sa pintuan. “Prepare To Meet Thy God”. D ku alam pero parang bigla akung kinabahan. Haha. Prang yung byahe na yun eh siyang maghahatid sa amin sa langit ng wala sa oras.
Naisip ku, handa na ba akung mamatay? (Nag-isip pku, mga 30 minutes) Xmpre hindi pa. D ku pa nga nakikita yung magiging produkto ku, kung meron man. Tsaka d pa talaga aku handang makipag-socialize kay San Pedro. Wala akung isasagot sa kanya pag tinanong na niya kung anung mga nagawa ku nung nabubuhay pa ako. Matatanggap kaya niya pag sinabi kung, nagbigay aku ng limang piso dun sa nag-sermon sa bus? Nung naghulog aku ng piso sa donation box sa simbahan, last-last year?
Madami pa akung gustong gawin sa buhay ku:
1. Gusto ku pang maglaro ng Krazy Kart ng lvlup games.
2. Gusto ku pang maglaro ng cabal (sa bagong server nito)
3. Gusto kung makitang lumaki yung mga pamangkin ku.
4. Gusto kung makasakay ng roller coaster.
5. Gusto kung makita aku ng aking mga magulang na umaakyat ng entablado habang tinatanggap ku ang aking kauna-unahang Oscar award.. Cge na nga Famas na lang.
6. Gusto kung basahin lahat ng libro ni dean koontz.
7. Gusto kung makakita ng snow..kung papalarin..kung hindi naman, cge, mga buhangin na lang.
8. Gusto kung maranasan ang aking unang halik.
9. Gusto kung makitang umuunlad ang pilipinas.
10. Gusto kung makita yung ending ng Digimon Frontier. At yung bagong, Digimon Savers.
11. At marami pang iba…
Mga bagay na gusto kung patunayan sa ibang tao, at sa sarili ku. Na kaya kung gawin, at panindigan ang anumang desisyon na tatahakin ku.
Higit sa lahat, gusto kung itama yung mga pagkakamali na nagawa ku dati. Sana, maging matino na yung pag-iisip ku. Sana maging tama na yung mga gagawing kung desisyon. Sana tama yung desisyon ku na palitan yung cover ng nag-iisa kung notebook.
Dati winnie the pooh, ngayun, hello kitty.
Read more...